| Monday, July 09, 2007 |
| Pelikulang 2007 |
Araw-araw eh napapadaan ako sa mga mall at di ko maiwasang hindi tumingin kung ano ba mga palabas sa sinehan.. Kaya eto, nagresearch ako ng mga posibleng maging top-rating movies for this year.. Title palang.. malaman na..
1. Langitngit ng papag.
2. Inumaga na ng hinugot.
3. Ang mahiwagang hiwa.
4. Ang kati ng higad mo.
5. Sisidin mo ang perlas.
6. Napagod ang bunganga sa laki ng tilapia.
7. Ulo pa lang, ulam na.
8. Lolo... 'wag po!!
9. Gising na si Adan.
10. Pasalat ng peklat.
11. Budburan ko ng niyog ang mainit mong pichi pichi.
12. Ibuyangyang mo't tatapalan ko.
13. Lawayan mo, baka mausog.
14. Kapag gumabi, bumubuka ang kabibe.
15. Huwag mong kamayin, baka mapanis.
16. Nang binuklat ang aklat ni Sabel.
17. Damang-dama ko ang galit mo.
18. Nang mag-init ang ulo ni Totoy.
19. Nang tumapon ang nata ni Cocoy.
o di'ba sabi sayo eh.. alam ko interested kang panoorin yang mga yan.. ^^
|
| byahe ni vInTaGe bandang 6:48 AM |
|
|
|
| Thursday, June 14, 2007 |
| Music Lovers |
Okay now.. after few days.. well mahaba rin pala yung mga araw na di ako nagpost.. after several days of not posting any entry sa NAPAKAGANDANG blog na'to.. eh napagdesisyunan ko nang magpost uli..
Marami kasi akong ginagawa last week kaya sobrang busy ang mga kamay ko para magtype sa blog na'to.. pero ngayon eh nakahanap na ko ng moment para ituloy ang kwento ng buhay ko sa kalye.. (parang pulubi lang no..).. May nakasabay ka na ba sa sasakyan na halatang halata na music lover sila?.. Kung ako ang tatanungin mo eh parang milyon na ang nakasabay ko na ganyan. Sa isang araw kong pagbabyahe eh mga 20 na tao o lampas pa ang nakakasalubong kong ganyan. Di ko naman talaga binibilang ang nakakasalubong kong ganyan pero sa dami eh macocompute mo talaga ang mean median mode nila. Isang tanong siguro ngayon eh kung paano ko nalalaman na music lover ang isang tao sa isang tingin lang. Well, i've made a list ng simptomas para malaman kung inclined ba talaga ang subject sa music. logo daw to ng rock-on? mukhang naputukan lang daliri eh1. Sa bawat tugtog ng radyo eh nakikisabay sa pagkanta.. andyan yung hum lang o minsan eh saulado pa ang buong lyrics. 2. Di mo man marinig ang kinakanta nung subject eh nakikita mong bumubuka ang bibig niya at mapapansin mo nalang na tugma ang pagbuka ng bibig niya sa lyrics ng kanta. 3. Andyan din ang nagstastomp ng paa kasabay ng beat ng kanta. 4. Feeling drummer naman yung iba na naghanap pa ng bakal para lang ipangtambol ang dalawang index finger nila. 5. Syempre sa skyway.. mahangin.. maraming nagi-emo sa bintana parang mtv lang ni regine alcasid. 6. May headphones na nakakabit sa celphone at i-pod tapos suksok sa bulsa. 7. Headbangers pipol.. pakiramdam nila eh nasa rock konsert sila.. senti naman ung pinakikinggan. 8. Pag novelty songs naman ang pinakikinggan ng katabi mo nakikita mong palihim niyang ginagawa yung steps.. lalo na sa kantang itaktak mo.. ahh sapakan na to...
Wala naman mali sa nasabi ko. Kasi kahit ako eh ginagawa ko yung iba dyan. Nakakatuwa lang malaman kung gaano tayo naimpluwensyahan ng kanta na nagbabago sa lifestyle natin. |
| byahe ni vInTaGe bandang 2:56 AM |
|
|
|
| Wednesday, June 06, 2007 |
| Hold-Up |
Nothing interesting happened today.. at wala talagang buhay ang araw na ito.. kumbaga sa sinigang, walang asim.. kumbaga sa may putok, kulang sa deodorant.. kumbaga sa celfone, walang load lagi.. parang ako...
So nagdecide ako na ikwento nalang ang pagnanakaw experience ko. Ops! hindi ako ang nagnakaw.. kung hindi eh yung nakasabay ko sa dyip 4 years na nakalipas. Nag-aaral ako sa ESS ng hayskul non at ang byahe ko eh sa Alabang-Zapote Road. Yun kasi ang parang bridge between Alabang and Las Pinas (kung saan located skul ko). At sa kalyeng yun eh madami talagang nangyayari nang di inaasahan. Andyan yung hold-up sa moonwalk, bank robbery sa BPI, rally sa Marcos Alvarez, at sale sa SM Southmall. Dito ko rin na-experience ang attempt na nakawan ako.. pero HINDI siya NAGTAGUMPAY! muhahaha! pati pusa ngayon, biktima na ng hold-upGoing home from skul eh sumakay ako ng isang dyip na di ganun puno. Naupo ako sa kanang upuan at syempre pakomportable ng upo.. para nga akong naka-de kwatro nun na hindi.. basta masarap upo ko... At eto na ang mamang bigotilyo na aakalain mo talagang magnanakaw. Umupo siya sa katapat kong upuan. Palibhasa eh mukhang mayaman yung sa tabi niya at mas marami siyang madudukot. Pero malas niya.. bumaba agad yung matandang babae sa SM kaya hindi siya naka-diskarte. By this time eh lumipat siya ng side ng upuan ng walang dahilan. At sinik-sik niya ko.. kamusta naman anluwag ng dyip eh naninik nik. Halata ko na na may balak tong nakawan ako. As in obvious ung kilos niya. Ipapatong niya yung bag (na sa tingin ko eh walang laman.. props ba) sa lap niya para matakpan yung kamay niya habang sumisilid sa bulsa ng biktima. Wala siguro siyang nakapa sa left side ng bulsa ko.. so lipat na siya sa bag kong pinatong ko din sa lap ko. Bawat hinto ng dyip eh pakunwaring lumalayo siya sakin para di mahalata.. pero pansin ko naman na ginagalaw niya talaga yung bag ko dahil nabubuksan yung zipper bawat layo niya. Natatawa lang ako kasi wala talaga phone ko dun.. nasa right side na bulsa ko kasi phone ko at wallet ko naman eh nasa right na bulsa sa puwitan naman. Wala talaga siyang tyansa na manakawan ako.. Unless nalang kung magdeclare siya ng hold-up.. aba ibang usapan na yun.. proned sa hold-up ang jeep na walang sakay, dapat ganitoKaya para sa mga nagcocommute dyan eh may tip ako sa pag-"spot" ng mga magnanakaw sa weird nilang pagkilos.. 1. Sinisiksik kang parang artista ka at fan mo siya kahit maluwag ang dyip 2. Pinapatong ang bag (props) nila sa ibabaw ng gamit mo para mabuksan ang bulsa nang di mo namamalayan 3. May kakaibang amoy daw (na nakaka hypnotize) base sa experience ng pinsan ko. 4. May dalang kutsilyo na gagamitin panghiwa sa gilid ng bulsa, panutok kung magdeclare ng hold-up, o kaya ay pamahid ng margarine sa baon nilang tinapay 5. At bigotilyong, pula ang mata, amoy sigarilyo, sabog sa droga, at kamukha ang caricature ng mga wanted sa pulisya ng baranggay niyo. |
| byahe ni vInTaGe bandang 6:00 AM |
|
|
|
| Tuesday, June 05, 2007 |
| Inalok Ako |
Sobrang nakakapagod tong araw na to... from am to pm talaga ang class ko.. isa pang badtrip eh sobrang init.. pero nung dismissal na eh parang langit na pakiramdam ko dahil bukod sa makaka-uwi na ko eh mahuhubad ko na ang masakit sa paa kong sapatos.. pakiramdam ko nga eh dumudugo na daliri ko sa paa..
Papunta na ko sa usual na sakayan sa Pedro Gil (para na kasing terminal yun ng bus pero hindi.. ahmm... basta malabo!) kasama ang chinese kong friend dahil dun din siya sumasakay pauwi sa kanila.. okay naman ang byahe.. laftrip sa dyip kasi pinaguusapan namin ang pagkasakit ng tyan ko... "I-burp ko nalang kaya utot ko..?" sabi ko.. "Utot din kaya ang dighay.." sabi niya.. walang sense ang pinaguusapan namin pero nageenjoy kami.. ewan ko ba.. Sumakay na ako ng bus pauwi, tumabi ako sa babaeng kumakain ng mani. Vendor siguro yung nakatabi ko kasi marami siyang dalang plastik, okey lang naman yun, kahit sino naman okey lang na makatabi ko. Actually eh inalok pa nga niya ako ng mani niya.. seryoso.. pero ako siyempre tatanggi.. alangan naman na makikain ako sa mani niya kahit di kami close.. kamusta naman.. ganyan yung mani ni nanangMatagal din yung biyahe dahil andaming stop-over ng bus. Naghahanap kasi ng pasahero... stop over sa harap ng PCU, sa Quirino, sa Buendia.. basta andami.. parang byaheng HELL nga yun eh.. Naalala ko.. meron nga palang umaway kanina sa kundoktor ng bus. Halatang matandang dalaga yun dahil kita ang mga qualities ng stereotype ng isang matandang dalaga sa kanya. Masungit lagi ang itsura, mainitin ang ulo, pala-away, pala-sigaw.. at MADALDAL.. as in.. parang lahat na nga ng tao sa bus eh kinausap na niya.. Nagtatanong kasi ng direksyon kung saan daw ang Osmena Street. "Ang kulit nyo manang!" yan nalang narinig ko sa konduktor sa sobrang pagkairita siguro. Dito na nagalit yung babae.... tawagin ba namang manang.. hahaha... at hanggang makababa eh mura nang mura yung matandang babae.. parang ganyan yung straktura.. PENGUIN!btw.. kamukha nung babae relstri prof ko.. mula buhok hanggang structure ng pangangatawan.. pero mabait naman ung prof ko compared sa kanya.. woooh sipsep!! Marami akong natutunan sa byaheng ito.. 1. Siguraduhing alam mo kung saan ka bababa bago sumakay ng PUV 2. Meron pa palang tao sa mundo na kahit stranger kayo sa isa't isa eh parang pamilya ang turing sayo.. aalukin ka pa ng mani.. 3. Huwag sasakay sa bus na wala pa masyadong tao.. BYAHENG HELL talaga yun lalo na pag nag-aantay ng pasahero.. 4. Huwag magsusuot ng sapatos na masikip.. nakadudugo ng paa.. 5. At huli, matutong rumespeto sa kundoktor ng bus.. kung hindi eh pabababain ka sa gitna ng skyway.. goodluck.. |
| byahe ni vInTaGe bandang 3:47 AM |
|
|
|
| Monday, June 04, 2007 |
| Taong Lobo b2b Love at First Sight? Hindi RIN! |
Nakaranas ka na bang may makasabay sa dyip o kaya naman sa bus na isang buntis na babae. Aba, sa halos 9 na taon kong pag-cocommute eh parang daan daan na ang nakakasabay kong ganyan ang sitwasyon. Andyan yung mga buntis na halatang ilang buwan pa lamang, andyan din yung di ganoon kalakihan pero masasabi mong malaki-laki na, at andyan din yung parang luluwa na at tipo mong putukin gamit ang karayom dahil aakalain mong parachute sa laki.. weh exagge..
Kadalasan talaga eh prioritized ang mga buntis kapag bumabyahe, kasi sa oras na madisgrasya sila eh hindi lang isa ang mamamatay kundi dalawa. At bilang pasahero sa halos 9 na taon mula Grade 5, dahil noon lang ako pinayagan mag-commute, ay nakasaksi na ako ng mabuting pagtrato sa buntis sa PUVs. Pag sa dyip, andyan yung inaalalayan ng taong nakaupo sa dulo yung buntis na sumasakay, andyan yung may magrereklamo na "Ano ba yan mama! May buntis dito.. dahan dahan lang sa pag-break!", at andyan din yung mga lalaking pasahero na sumasabit nalang at binibigay ang upuan sa mga buntis. Pero di natin makakaila na madalas din nangyayari ang maling pagtrato sa kanila kapag sumasakay ng bus. Naalala ko tuloy noong bumyahe ako kasama nanay ko, mga 9 years old palang siguro ako nun, may mag-asawang sumakay sa bus at yung babae eh buntis. Talagang parang luluwa na yung tiyan niya, kumbaga sa hinaharap ng babae eh pang matanda na at laylay na. Pero seryoso ganun talaga ang itsura. Halata nga sa mukha ng babae yung bigat ng tiyan niya eh kasi laging nakakunot ang noo at nakahawak sa ilalim ng tiyan niya para suporta. Itong si asawa naman eh patpatin, payat na andaming dalang bag. Ang taong hindi magpa-upo sa buntis na pasahero ay daig ba ang mabuhok at makutong tsonggo.
So ayun nga, nagkataong puno na ang sinakyan nilang bus, as in nakatayo sila at nakikipagsiksikan din sa ibang nakatayong pasahero. Ang nakakatawa pa non eh napansin ng nanay ko na sa tabi ng nakatayong mag-asawa eh may nakaupong 2 matong lalaki.. aba hindi na naawa.. hindi man lang binigay ang upuan nila... siguro baka daw mapagod ang maskels nila... Siguro nagtatanong kayo ngayon kung bakit naalala ko pa yung scenario na yun, well dahil may isa pang nangyari sa araw na yon. Dahil nga kasabay ko nanay ko, aba akalain mong may nakipagkilala sa nanay kong isang lalaki. At hwag ka! Binayaran niya pa pamasahe namin! Ito namang nanay ko eh todo tanggi kasi nga hindi namin kilala yung lalaki tapos bigla nalang kami ililibre ng pamasahe. Gawin ba kaming nanay na may kasamang authistic na child.. ahaha! Sobra namilit yung lalaki kaya wala din nagawa nanay ko kaya pumayag nalang siyang bayaran kami. Pero may kapalit pala ang panlilibreng iyon, hinihingi pangalan ng nanay ko! Ganun ba ka-hot ang nanay ko.. pero literal na mainit talaga sa bus, ordinary eh.. So binigay naman ng nanay ko name niya parang way of thanking lang.. pero aba hinihingi pati number sa bahay at tinatanong kung saan kami nakatira. Siyempre wise naman nanay ko at hindi niya sinabi yung mga yun... at sinabi niya na may asawa na siya at anak niya ang kasama niya.. ehem** Sobrang mapilit ng lalaki, kahit na daw may asawa pwede naman daw patagong relasyon, at para pa ngang pinang blackmail yung pamasahe.. camera shy sina lolo at lola
Ayon.. Hanggang makarating ng Alabang eh di na siya kinausap ng nanay ko.. "Manigas ka! HuLuL!".. |
| byahe ni vInTaGe bandang 4:19 AM |
|
|
|
|
| Tulog Mantika |
Siguro nga eh habit na ng mga antuking tao ang matulog sa bus. Pero NAMAN! sobra na yung iba.. nakahilata na! Aba'y akala nila eh nasa hotel/motel lang sila kung matulog... mahirap pa diyan eh sakop ng buong katawan ang maliit na upuan ng mga bus.
Pauwi ako kanina galing skul, syempre as usual biyaheng lawton-alabang ang sinakyan kong bus sa parteng Pedro Gil. Tanghaling tapat, mainit sobra... tagaktakan ang pawis ko. Madalang kasi dumaan ang airconditioned bus dun kaya kung ayaw mo magka-ugat sa kakaantay eh mag-ordinary bus ka nalang. Mahangin naman sa skyway eh. So aun nga... naghahanap ako ng mauupuan at syempre duon ako umupo sa pangtatluhan na walang tao. Pag tanghali kasi eh wala masyadong pasahero ang mga bus. At napansin ko yung mama na nasa harap ko. Tulog siya saka naka-nganga... naalala ko tuloy siya dito sa pic na to.. kita na utak sa laki ng butas
Para kasi siyang office worker na nakablack long sleeves... mukhang pagod na pagod.. para siyang si Juan Tamad na nag-aantay mahulog ang mansanas galing sa bubong ng bus... kinabahan lang ako baka butiki yung mahulog.. kung hindi man eh ipot nun.. So sa bandang ganoong oras eh okay pa naman na matulog siya sa ganung posisyon.. biyahe.. biyahe.. mga 30 mins na nakaraan eh tumigil na kami sa bus stop around buendia. At dito eh expect mo nang maraming sumasakay. Andyan ung mga vendor na may dalang gulay o balde ng isda, mga estudyanteng pauwi na o papasok palang, mga magsyotang pupunta sa mall o kaya naman eh mga trabahador ng construction site sa tabi ng Makro, etc. Ayun para talagang nakahiga na yung lalaki sa harap ng upuan ko. Sarap na sarap siya sa posisyon niya, at nakanganga parin. Sumisikip na yung bus at tinatapik na siya ng ibang pasahero para makaupo naman sila.. Pero aba, tulog mantika.. mga nakailang dutdut din yung ibang pasahero sa balikat niya eh wala paring epekto. At wag ka! ito ang climax.. tumayo siya sabay sabi "Alabang na ba?". Ampf dito ako natawa eh.. alam mo yung pulang pula yung mata tapos pa-inosente pa ang itsura.. dko talaga mapigilan.. narinig talaga yung labas ng hangin sa ilong ko at bibig. Okay lang siguro na matulog sa ganoong public places.. pero diba at least eh maging conscious ka sa kilos mo habang natutulog.. kasi hindi mo namamalayan eh iniimbestigahan ka na pala ng mga taong nakakakita sayo. Ito lang naman ang kailangan mong iwasan habang natutulog sa PUVs... 1. Ngumanga na parang nag-aantay ng monay sa bubong 2. Nakasara ang bibig pero para namang waterfalls ang daloy ng laway mo 3. Humilik nang parang wala nang bukas 4. Sumandal sa balikat ng katabi mo.. pwera nalang kung gusto rin ng katabi mong masandalan 5. Umikot ikot ang ulo na parang nagshooshoot ng Exorcist movie dapat na talaga sigurong ipatupad ang batas na to.. bagong batas ni Victor Wood, sayang di naging Senator |
| byahe ni vInTaGe bandang 2:44 AM |
|
|
|
|
| Ang Pasahero |
|
![]()
Pangalan: vInTaGe
Plaka: WTH127, Philippines
Lisensya: D06-25-009858
ang aking buong detalye
|
| Ang Nakaraang Byahe |
|
| Mga Araw ng Byahe |
|
|
| Napadaang Pasahero |
|
|
| Ibang Byahe |
|
|
| Mabilisang Komento |
|
| Kinargahan ng |
 |
|